LINGGO NG WIKA
Ngayong Biyernes na!
“Pagkaing Aming Ititinda”
Mga pagkaing aming ititinda
Ay masarap at masustansya
Hindi lng ito mura, nakakabusog pa
Halina’t tangkilikin ang pag kaing aming ihahanda
Kanin, adobo at everlasting
Ilan iyan sa naahanda naming pagkain
Kung gusto mo ng matamis, subukan mo ito
Ang matamis naming saba con hielo
Kung maasim naman ang hanap mo
Bumili ka sa amin nito
Sampaloc na aming tinda
Siguradong masasarapan ka
Kung gusto mong subukan
Bibingka nami’y tikman
Tikman mo ang tinda naming pulvoron
Pero huwag kalilimutan ang aming chicharon
Halika na! Ikaw na lang ang hinihintay naming
Bumili na kau ng aming pagkain
Mga pagkaing Pilipino ang ihahanda namin
Tara! Tangkilikin natin ang sariling atin!
Quezon: Ama ng Wikang Pambansa, Letranista |
Si Manuel Luis Quezon ay isinilang noong ika-19 ng Agosto, taong 1978 sa Baler, Tayabas (ngayo’y Quezon). Siya ay anak ng mag-asawang Lucio Quezon at Maria Dolores Molina, dalawa sa pinakapipitangang mamamayan sa kanilang lugar. Sa edad na lima, si Manuel ay tinuruan ng kanyang inang magbasa at magsulat sa wikang Espanyol at tinuruan din siya ng huli ng katekismo. Sa edad namang pito, nag-aral naman siya ng relihiyong Katolika sa pangunguna ni P. Teodoro Fernandez. Kabilang din sa mga pinag aralan niya na kasama ang pari ay ang mga asignaturang Latin at Heograpiya. Mula pagkabata ay kinakitaan na ng potensiyal si Manuel na maging isang mabisang pinuno ng mga tauhang naniniwala at nagtitiwala sa kanya. Siya ay isang batang may tiwala sa sarili, interes sa pagkatuto, at handang magbigay tulong sa kapwa. Ngunit kabila ng mga ito ay hindi nawawala ang kanyang pagiging masiyahin. Si Manuel ay may ng tamang pag-uugali na sinamahan din ng di matatawarang kakisigan. Matapos makakuha ng sapat na kaalaman mula sa kanyang mga magulang at ilang guro, si Manuel ay nagpunta sa Maynila upang mag-aral. Labing-isang taong gulang siya noon nang siya ay pumasok sa Colegio de San Juan de Letran kung saan siya’y nabigyan ng parangal sa Batselor ng Sining noong 1894. Itinuloy niya ang pag-aaral ng Batas sa Unibersidad ng Santo Tomas. Ngunit bago pa man matapos ng Jurisprudence si Quezon, sumabog ang rebolusyon. Siya ay sumapi sa pwersa nina Heneral Emilio Aguinaldo at nakipagdigmaan sa Tarlac, Pampanga, at Bataan. Dahil na rin sa ipinamalas na katapangan at kagitingan, itinaas ang kanyang rango mula sa pagiging Ikalawang Tinyente sa pagiging Kapitan at nang lumaon ay naging Major. Pagkatapos ng rebolusyon, bumalik si Quezon sa Santo Tomas at itinuloy ang kanyang pag-aaral at nakakuha ng ikaapat na pinakamataas na marka sa Bar noong 1903. Si Quezon ay nagtrabaho bilang klerk at nang lumaon ay naatasang maging Piskal sa bayan ng Mindoro at Tayabas. Siya ay nanalo bilang konsehal sa Tayabas at nang tumakbong Gobernador ay nanalo noong 1906. Isang taon ang lumipas at siya’y nahalal bilang Majority Floor Leader ng Unang Asemblea ng Pilipinas at naging Chairman ng Committee on Appropriations. Mula 1909 hanggang 1916, siya ay nag-silbing Komisyoner ng Pilipinas para sa U.S House of Representatives. Si Quezon ay naging Senador noong 1916 at naging pangulo ng Senado hanggang 1935. Nang taon ding iyon ay nanalo si Manuel Quezon bilang Pangulo ng Pilipinas laban kina Emilio Aguinaldo at Obispo Gregorio Aglipay. Matapos ang pananakop ng mga Hapones sa bansa noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, lumipad patungong Amerika si Quezon. Siya ay dinapuan ng sakit na tuberkulosis at pumanaw noong ika-1 ng Agosto, taong 1944 sa Saranak Lake, New York. Bilang pagkilala sa pumanaw na Pangulo, inilibing siya sa Arlington National Cemetery kung saan tanging mga bayani lang ang nakahimlay. Matapos ang dalawang taon, dinala sa Pilipinas ang kanyang mga labi at inilibing sa Manila North Cemetery at inilipat namang muli sa Quezon Memorial Circle. Si Quezon ay naikasal sa kanyang pinsan na si Aurora Aragon at nagbunga ng apat na anak na sina Maria Aurora, Maria Zeneida, Luisa Corazon Paz at Manuel Jr. |